No to RH Bill   Leave a comment

Natatawa ako sa commercial ng babaeng napapanood ko sa TV. Maganda sana sya pero palagay ko dahil lang sa mga cosmetics na nakalagay sa mukha nya. Katulad ng katwiran nya, mahilig sya sa synthetic, cosmetic, aesthetic at pagtatago ng katotohanan. Sya ang babaeng PRO RH Bill na nagpapayong uminom ng gamot ang mga kababaihan para humaba ang buhay. Hindi mo na kailangang maging isang medical doctor para maisip na ang katawan ng tao ay isang sistema o system. Kung maglalagay ka ng foreign object o mag-iintroduce ka ng isang component tulad ng gamot sa isang sistemang maayos at gumagana ay siguradong mababago ito at malamang na masira sa kalaunan. Dahil ang naintroduce na isang foreign substance o foreign object ay mababago at masisira ang normal function nito. Nasaan ang paghaba ng buhay sa pagsira ng normal na sistema ng katawan ng isang babae?

Isa pa sa nga “selling point” ng mga PRO RH Bill ay ang pagsugpo sa “maternal death”. Ang “maternal death” ay isang komplikasyon ng pagbubuntis at panganganak regardless kung may pre-natal ka o wala.

Paano mo ipapaliwanag ang 7 malulusog na anak ng aking Lola na ipinanganak lamang sa hilot at walang pre-natal checkup. Purong Batanguena ang aking Lola, gulay, prutas at mga bungang kahoy ang kinakain nya.

E paano naman ipapaliwanag ang nangyari sa bunso kong kapatid. Isa syang OFW. Nong sya ay magbuntis sa aking pamangking si Gorby, may mga pre-natal checkup sya at pinili nya ang isang mahusay na OB Gyne na mahal ang talent fee. Pila-pila ang pasyente ng doctor na ito, pagpapatunay lamang na maraming naniniwala sa kanyang kakayahan bilang isang doctor. Ngunit ang araw ng panganganak ng aking kapatid ay isang bangungot. Habang ipinanganganak nya si Gorby, nagkaroon siya ng bleeding na hindi malocate ng doctor. Kung ano-ano ang ginawa sa kanya,naubos na ang dugo nya at naideclare syang “clinically dead”. Nagdasal kami…maraming-marami…taimtim…nakiusap kami na bigyan pa sya ng pagkakataong mabuhay. Miracles do happen, sa huling attempt ng mga doctor para marevive sya…nabuhay sya. Sabi nya sa min nong ok na sya, nakakita na sya light, ng tunnel, nakita nya kaming hinihila namin sya pababa.

E ano naman ang nangyari sa daughter in law ni Vice President Binay? Alagang-alaga, may OB at ospital na one of the best sa Pinas pero namatay din sa panganganak.

Si Maria ang aking Lola, si Maria Lorelie ang aking kapatid at ang daughter in law in Vice President Binay ay pawang mga babae na may kanya-kanyang karanasan sa pagbubuntis. Karanasang hindi nabase sa gamot o galing ng syensya. Sila ay ilan lamang sa pagpapatunay na RH bill ay hindi sagot para maiwasan ang “maternal death”.

Hindi masosolve ng RH Bill ang maternal death dahil kahit magagaling na doctor o magaling na gamot ay di kayang pigilin ang kamatayan ng tao. Hindi rin masosolve ng RH Bill ang kahirapan dahil 1970s pa, may mga family planning programs na. Syam na taon ako ng makita ko sa poster ang salitang IUD at birth control pills. Natandaan ko ang terms na ito dahil mahilig ako magmemorize noong kabataan ko. E ano ba ang nangyari sa bayang pinagsamantalahan ng sarili nyang anak?

O kayo, mga kapwa ko babae, pababayaan nyo bang masira ang sistema ng katawang pinagkaloob sa atin ng Dyos?  NO to RH Bill

 

Image

 

 

Advertisements

Posted August 15, 2012 by writinglyyours in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: