Lingon Na   Leave a comment

Dahil gusto kong matanggal ang sakit ng ulo ko, sinubukan kong i-relax ang mga muscles nito sa pamamagitan ng pakikinig ng musikang Pilipino. Napapakanta naman ako dito sa harap ng PC habang sinasabayan ng makabagbag damdaming awit ni Basil Valdez, ang “Paano ang Mangarap?” Sinundan pa ito ng kanta ni Rey Valera na “Hindi Kita Iiwan”. Napansin ko na lalong tumindi ang sakit ng ulo ko kaya binago ko ang genre ng music na pinakikinggan ko. Nakinig ako sa masasayang tugtugin nong 80’s Sinong di mapapasayaw sa “Growing Up” na nauso kasabay ng paglabas ng mga “Bagets”–ang mga gwapong teenagers noong 80’s. Nakinig pa ko sa kanta ni Charles Harner na “It’s not Fair” Astig din. Hindi sya Pilipino pero asawa sya ng Pilipina at ang kantang ito ay para sa isang pelikulang Pilipino. Nagtagumpay ako, pagkatapos ng pakikinig sa 80’s song dahil  konti na lang ang sakit ng ulo ko. Aba, “Ang Musikang Pilipino, Pangtanggal ng Sakit ng Ulo”. Tugma pa ang mga huling pantig. Kung nababasa ito ng guro ko noong grade school ay matutuwa yon. Ang mga awit na Pilipino ay bahagi  ng ating kultura. Ito ay sumasalamin sa ating mga gawi at pamumuhay.

Madalas sabihin sa akin ng aking anak na ang mga Koreana daw ay mas magaganda sa mga Pilipina. Nahilig kasi sya sa mga Korean tele-nobela. Nagsisikip ang dibdib ko pag naririnig ko ito….hindi ko matanggap. Hindi sa kung ano pa man. Sa kin lang, kahit pangit o maganda, Filipino first.Lagi kong sinasabi “tingnan mo maigi”. Naglaro tuloy sa isip ko ang mga tele-seryeng Pilipino nong ako ay teenager pa. Aba, magkalaban noon sa pasikatan si Annaliza(Julie Vega) at Flor De Luna (Janice De Belen). Mas type ko si Julie Vega kaya lahat ng episode napanood ko. Inis na inis ako kay Leni Santos, napaka-galing nyang kontarbida. At si Cathy, nalimutan ko ang tunay na pangalan. Ang galling din na kontra bida. Matagal pa sana ang labanan ng kinang at kislap ng pag-arte sa t.v. noong dalawa kung di agad namatay si Julie Vega. Nagkaroon sya ng malubhang sakit na ikinabagsak ng katawan nya at ikinamatay nya. Sayang ang ganda pa naman nya, ang mata nya ay parang mata ng mahal na birhen. At magaling magpaiyak ng manonood. Naalala ko rin ang bagsik at sama ng ugali ni “Aling Menang”,  sa “Gulong ng Palad” Sya ang hadlang sa tunay na pagmamahalan ni Luisa at Carding. samantala, inilalarawan ang tipikal na Pilipina nong mga panahon na yon sa katauhan ni Luisa- mayumi, matipid sa salita at submissive. Si Aling Edad naman ang sumasalalamin sa pagiging maprinsipyo ng mga Pilipino. Laki sa hirap pero may paninindigan. Ang mga tele-nobela na ito ay bahagfi ng kulturang Pilipino. Tulad ng mga awit ito ay sumasalamin sa ting pamumuhay, gawi at maging sa pananaw noong panahong ito ay ginawa o ipinalabas.

Ang pelikulang “Magnifico” naman ang pinaka paborito kong pelikulang Pilipino. Ito ay tungkol sa mabait na batang Pinoy na walang ginawa kundi ang sumunod sa mga nakakatanda. Bakas sa katauhan ni Magnifico ang pagiging matulungin, masipag at buo ang loob. Makikita mo sa pelikulang ito ang prealidad sa pang-araw araw na buhay ng pangkaraniwang Pilipino. ‘Yon nga lang di ito happy ending dahil namatay sya. Nakakalungkot nong namatay sya. Napaiyak ako ni Magnifico. Tulad ng kanta, tele-nobela, ang peluikula ay bahagi pa rin ng kultura.

Hindi naman lahat ng mga nilikha ng Pinoy puro drama. Marami din tayong magagaling na komedyante. Saan ka pa? Buhay at malakas pa rin ang king of comedy na si Dolphy. Nandyan si Michael V na paborito ko. Mayroon tayong Tito, Vic, Joey, Jose, Pokwang, Oggie Alcasid, allan k at marami pang iba. Nangangahulugan lamang na ang mga Pinoy ay mahilig tumawa at magpasaya. Yong tinatawag nilang “happy disposition” ay tunay namang nakakahawa. Ito ay bahagi din ng kultura.

Musika, tele-novela, pelikula o komedya? Ang mga ito’y bahagi lamang ng kulturang Pilipino. Mapapansing ang pagbabago  ng tema ng mga nabanggit habang lumalaon at nagbabago din ang panahon. Ano man ang kinakaharap ng mga Pinoy siguradong kasama nito ang mga awit at palabas na naririnig at napapanod natin. Sabi ni Rey VAlera sa isang kanta nya “Malayo pa ang Umaga” pero di ako naniniwala dito. Nasa kamay ng bawat Pilipino ang bilis ng paglapit ng umaga.Ang umagang inaasam ng lahat ay maaring mapagtulung-tulungan upang masilayan dito. Maaring simulan sa paglinang ng ating kultura dagdagan na ng sipag, tyaga, disiplina at syempre pagmamahal sa bayan. Hindi nga ba sabi nila, “Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan? Tayo na, lingon na……

Advertisements

Posted December 6, 2011 by writinglyyours in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: