Korean Movie   Leave a comment

Nanonood ng Korean movie ang anak ko kagabi at naisipan kong makinood na rin. Pinatay ko ang t.v. umupo malapit sa PC. Napansin kong mahina ang sound at sinabi ko ito sa kanya. Maya-maya ay tumayo sya at kinuha ang speakers. Maraming connectors dahil hindi ito speakers para sa computer  pero hindi ako nakialam sa pagcoconnect sa PC. Nakuha naman nya ang linya ng in at out. Sabi ko “Ang galing mo anak”. Nagpatuloy ang panonod. Tinitigan ko maigi ang bidang babae. Naalala ko na naman kasi ang sabi nya na mas magaganda ang Koreana sa Filipina. Aba, napakaganda nga ng kutis ng bida, cute ang mata at hindi masyadong singkit, matangos ang ilong at maganda ang labi. Naku, may tulog si Maria Clara….Kumuha lang ako ng tyempo at saka ko sinabi “Hindi kaya may lahing British yan?” Ngumiti ang aking anak. Kilala nya ako. Alam nyang di ako magpapatalo at igiit ko pa rin na mas maganda  ang mga Pinay. Masyado akong naapektuhan ng palabas. Maganda ang twist dahil medyo action sya. Hindi sya yong kwento na magkakasakit ang babae o lalaking bida na napansin kong madalas plot ng Korean movies/novels.  Kung tutuusin mas gusto ko ang mga plot ng istorya nila kaysa karamihan ng napapanood ngayon sa Filipino tele nobela na tungkol sa kabit o pagkakaroon ng kabit. Pero syempre sasabihin ko na the best pa rin ang gawa ng Pinoy. Hanggang sa pag-tooth brush at bago humiga sa kama ay topic pa rin namin ang napanood.

Life is simple. Life is good. Magandang umaga.

Advertisements

Posted December 6, 2011 by writinglyyours in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: